"size: small"

onti lng pants ko.
in fact mabibilang siya using my 10 fingers sa kamay.
sa laki kasi ng puwet ko at taba ng legs ko
bibihira ang mga pants na kakasya sa akin
kaya maswerte kapag nakakita ako ng pants
na saktong sakto sa hubog ng puwet ko
at kahit wala akong pera
hindi ko pinalalampas ang pagkakataon
tlga naghahanap ako ng paraan para mabili ito

sa aking pagkakaalam
ang size ko sa lahat ng store ay L or XL
well as far as i can remember
pero kanina nung pumunta ako ng Bayo
nagask pako for medium size
kasi ang small nila tingin ko hindi kasya
(alam ko na ang pants na kasya sakin
 isang tingin lang)
sabi ng sales lady wala ng medium
at itry ko na lang ang large.
kaso naisip ko for some reason itry ang small
at voila..kasya sakin!!!!!

 
sobrang tuwa ko, hanggang tenga ang ngiti ko
kasi hindi lang ako nakahanap ng pants na magandang kulay
nagkasya pako sa small size ng Bayo!!!
so worth it ang pagtakbo ko sa eliptical everyday!

pero the sales lady burst my bubble
ah kasi po mam stretch po sya kaya kasya sayo
nabura bigla ang ngiti ko


thanks ah...kakainis ka!


 


0 comments:

Post a Comment

archives

Powered by Blogger.