"limited edition oreo"

kakaibang oreo to from US.
limited edition nga eh...
nakakapanghinayang kainin.
pero masarap ang oreo eh
so kebs.. :)

oreo!



"merry xmas from ninang"

umuwi ako sa amin, dun sa las pinas
sumalubong sakin ang mga regalong padala ng ninang ko
hindi ko inexpect na maalala pa niya ako
ang tanda tanda ko na para sa aguinaldo

merry xmas
anyway eto ang mga regalo niya sakin:
perfume from zara
gold watch from pulsar
 
gold watch
zara perfume
AYOS! yun mga gusto ko tlga.
alam ng ninang ko ang taste ko.
kahit hindi pa kami nagmeet..
alam niya kung ano ang inaasam-asam ko

for the longest time, ive wanted a gold watch
and something from zara

at eto na nga..bigay sakin ngayong pasko...

SALAMAT NINANG! :)


"road trip"

matagal ng plano. laging naudlot.
gusto namin kumain ng bulalo sa tagaytay

laging may indi puwede.
laging may problema, weather atbp.

pero ngayon..kahit madami nagbackout
GO pa din kami!
nothing will stop us from eating bulalo!

umaga pa lang handa na kami.
punta agad ng buendia para magabang ng bus
kaso alas-otso na wala pang bus..

punta kami baclaran..ayun may bus na!

hilohin si bully garfield sa bus.
so good luck sa kanya..sana may dala siyang kendi
pero 2 hours lang ang biyahe eh, so keri na
2 hours of torture lang!

medyo takot pa kami sumakay ng bus
kasi nga sa recent bombings
pero naisip namin..kahit anong ingat pa yan
kung panahon mo na, eh di panahon mo na!

habang sumasakit ulo ni bully garfield
siya namn pagsakit ng tyan ko.
hanggang sa makasakay kami ng jeep
sobrang sakit pa din ng tyan ko.

malapit na kami sa leslie..
ng makaramdam ako ng matinding sakit
kelangan kong mag-CR
sa Josephine's dapat kami
kaso pinilit ko silang bumaba ng Leslie's
halos tumakbo nako papuntang CR ng starbucks
buti na lng wlang tao.


matapos ang aking aberya ko
nagpunta na kami Josephine's
ready na kami to have fun!
yun ang goal namin for the day
well aside from eating bulalo in Tagaytay!

ang sosyal ng Josephine's
parang mahihiya kang magorder.
mga sosyalan din ang kumakain dun.
wala pa masyadong tao nung andun kami
ang aga kasi namin for lunch

decided na kelangan may bulalo.
order din kami ng crispy kangkong
at ng inihaw na tuna belly
2 klaseng rice: plain at bagoong rice
for dessert, sorbeturon, 1 cake at banana split.

dami namin kinain.
puro tawanan lang kami at kuwentuhan
were having fun nga eh!
matapos lumamon eh lumabas kami sa garden
habang picture taking kami ni angcutenakulot
siya namn laro ni bully garfield ng itouch games

ng bumaba na ang kinain namin
napagdecidan namin na ayaw pa namin umuwi
tambay muna kami sa starbucks
malamig dun at masarap magrelax

order kami ng kape sa starbucks
ako iced tea lang..wehehe
yung kasunod naming customer sa pila
siya ang ika-100 customer of the day at may freebie siya
akalain mo yun??!?!
ngayon alam ko na ang feeling nga mga taong
almost there but not quite.

tawanan at kuwentuhan ulit sa starbucks
hanggang sa nagpupumilit na si angcutenakulot na umuwi
fine.fine.fine.
matapos ubusin ang kape umuwi na kami.

saya ng araw na yun!
ang sarap ng bulalo!
ang sarap sa tagaytay!


"happy birthday lyuri"

birthday ng inaanak ko ka artsy boy
first birthday ni lyuri today.

sa bulacan pa ang handaan
ang layo pero keri lang.
kasama buong QA team.
syempre kahit na dati akong QA
eh feeling left out pa din ako
i dont know why pero parang ganun
para kasi silang may sariling mundo
pero gusto ko ang team na yun
ang tight nila at dami chikaminute :)

anyway saya namn ng party..
sarap ng food especially the ice cream :)
salamat artsy boy!





HAPPY BIRTHDAY LYURI!!


"sandwhich sa 711"

hay naku..
walang nalutong baon si angcutenakulot on time.
no choice but to buy food sa 711.
taghirap na nga kami eh
petsa de peligro na nga eh.

nagpromise siyang bayaran niya ang baon.
kasalanan kasi niya.
siya nakatoka magluto eh.


wahaha!

bumili ako ng bread.
mukhang masarap!
at masarap nga! :)






"shorts or no shorts"

grabe!
habang naglalakad papasok
nakita ko to
nawindang ako.
ano suot niya?
wala ata siyang shorts.
ang lakas namn ng loob nya
bakit kaya?
in fairness
maliit naman siya.
nakaboots siya!
so i guess keri na..
ata!




"pink sketchers"

umuwi ako samin.
hiram ako running shoes sa nanay ko.
sabi ko nga kakareerin ko ang pagpapayat
todo na to!

alam ko may running shoes nanay ko
size 6 yun so malaki para sa kanya
at alam kong sakto sakin yun

kaso nga lang pink ang kulay.
i hate pink. i despise pink.
yuck. yuck. yuck.
pa-girl ang pink eh.


kaso walang choice.
kelangan kong magpapayat.
kebs sa kulay ng shoes basta matibay
at hindi masisira habang naglalakad ako

pink skechers

"UST"

hindi ko pa nakukuha ang diploma ko sa UST
hndi pa nakukuha ni sexy OFW ang yearbook niya

naisipan namin pumunta UST
kunin namin ang diploma at yearbooks
makikicelebrate kami ng 400 years.
manunuod ng cheering competition

magreminisce ng college days
at syempre magpapicture! :)

ang saya bumalik sa UST
well ang saya magreminisce
madaming nawala sa UST
una wala na ang colayco park
yun ang park sa likod ng main building
ang pinalit nila eh isang malaking fountain
wala na din damo sa football field.
dati abundant pa eh ngayon wala na masyado
wala na din football field sa tapat ng hospital
ginawan nila ng parking lot with food establishments..
wala ng tambayan sa tapat ng AB building
wala na nagyoyosi dun at mga girls in skirts nakaupo sa sahig
at wala ng yung co op or yung canteen sa likod na main bldg
dun makakain ka ng quek-quek sa halagang P2 each


ang daming nawala..ang dami ding napalitan..

hay kakamiss ang college life..

"red wedge"

bought new shoes
mala-wedge ang itsura
december ko pa siya nasight
pero ngayon ko lang  nabili
kakulangan kasi sa pera
ewan ko ah since lumipat ako
dito sa ECE ang HIRAP-HIRAP ko
weird..this should be another entry..

anyway look at my fabulous shoes
it makes me look tall
and its colred red..so sexy!




"rubber shoes"

since gusto namin pumayat.
nagagree kami ni bibo seatmate
jogging kami sa ayala triangle.
every sunday lang
kasi wala masyado tao eh.

set na. 6AM sa ayala triangle.

siyempre ang aga ko nagising.
depressed ako hindi masyado makatulog
itatakbo ko na lang ang lungkot ko

suot ko: white shirt, nike pants
at siyempre nike sneakers.
may kalumaan na ang sneakers ko
mga almost 5 years na din

lagi kong gamit to sa gym dati.

umalis ako ng walang dala
tubig at towellete lang
naka-pin sa damit ko ang susi sa apt.

naisip kong maglakad.
para warm up ko na din yun
nasa runfino nako ng naramdaman kong..
malamig ang talampakan ng paa ko
p*** natanggal ang suwelas ng sapatos ko
naghanap ako ng mauupuan
icheck ang damage
tanggal ang buong suwelas
kung minamalas ka nga naman tlga.
tinanggal ko ang sintas ng sapatos ko
at itinali ang suwelas sa sapatos
naglakad para itest ang pagkakatali.
buti nalang at walang tao sa ayala
sunday nga kasi

lalong nasisira ang sapatos.
hindi ko ito maitatakbo.

nagdadalawang isip ako
pupunta ba akong triangle
o uwi para magpalit ng sapatos

lalakarin ko ba?
o sasakay ng taxi?
eh wala akong pera
ni singkong duling wala
waaaahh!!!!

naisip kong maglakad..pauwi
magpapalit ako ng sapatos.

naisip ko si bibo seatmate,
kanina pa nagaantay
mag-aalas siete na sa relo ko
waaaahh...

naiisip kong magtaxi na lang.
magpapababa ako sa apt at kuha ako ng pera
at papahatid ako sa triangle.

tama! bakit hindi ko ba naisipan yun kanina?
buti na lang mabait si manong driver
at naawa siya sa aking kapalaran.

hinatid niya ako sa batangas st
at inantay kumuha ng pera at palit ng shoes
nagpahatid ako sa ayala triangle
sabi pa ni maong
"ingat ma'm"

ayun kanina pako inaantay ni  bibo seatmate.
pinagtawanan niya ako sa nangyari sakin.

mahirap tlga pag hindi original ang shoes mo
bumibigay sa mga panahong kelangan mo ito.

"shopping and halo-halo"

divi daw kami ng mga kapatid ko
madami silang bibilhin
ako since tipid mode ako
eto lang bibilhin ko:
red wedge
3/4 polo na formal
gift para kay lyuri at sabz

tlga lang noh?!? chos! wehehe!

before going to divi
kumain kami halo-halo
libre ni sis m
comfort food daw sabi niya
so lamon kaming tatlo
sarap eh

tatlong maria

masarap na halo-halo
thanks sis m :)

nabili ko naman mga dapat bilhin
at nagpasalubong ako ng pansit sa apt

again bankrupt nanaman ako.. :(

"bagsak! bagksak!"

i failed. i wanna cry.
its like the world went crumbling down.
nothing will ever comfort me.
not even kind words from everyone.
im sorry not even from you.

siguro magdepressive mode muna ako.
haysh...buhay mapaglaro.


during testing

"reunion - UST peeps"

excited ako!
kita-kita kami ng college gang.
well ginagawa namin to
pag dumadating lang si sexy sosyalera OFW
shes like the glue
that sticks us together.

miss ko na siya at si smart president ng class
at siyempre ang chismosong singer na best friend ng bayan

kita kita daw sa greenbelt.
movie at dinner together.

saya nito!
catching up.

ever sosyalan pa din si sexy OFW
at siyempre gumanda si smart president
same pa din ang chismosong singer.

tawanan..lamun galore.
pinakamatakaw si chismosong singer
at pati na rin si sexy OFW
prang hindi tumataba
kami forever diet ni smart president

reminisce ng college days.
tawanan sa mga imbentong issue
nitong si chismosong singer
inaalala ang mga crush at jowa sa USTE
ask ng mga buhay ng ibang tao

pare-pareho pa din itsura namin
parang hindi kami tumatanda
walang wrinkles pang namumuo

miss ko sila. sobra.
salamat at nagkaroon ulit ng chance
na makita ko ulit sila.

"shuta"

natawa ako!
ano ba naman yan!
"shuta"
tatak ng tsinelas?
suot ni nanay
alam kaya niya ibig sabihin nun?
wahahaha!
dito lang yan sa pinas
i bet!


shuta slippers

"grocery"

wala na kaming pagkain sa tukador.
mahirap ang may magutom sa amin.
umiinit ulo ng mga tao.
well except kay lonely sexy roomate.

ayaw din namin bumili ng food sa labas.
magastos din namn kasi..
so naggrocery kami ni ang cute na kulot.


grocery from walter mart




















"dubai"

nagapply kami ni ang cute na kulot sa dubai.
station agents daw ang opening.
keri na un..para maiba namn sa callcenter.
plus walang tax sa dubai.

alas-7 pa lang nasa agency na kami.
ang hirap hirap ng test
since maliit lang ang agency
wala silang testing room.
dun kami lahat 30 applicants nagtest
sa cramp nilang office space.

habang naglistening exam kami
nagsisigaw ang ibang applicante.
hassle noh?! sana bumagsak ang mamang yun!
wahahaha!

ang hirap ng exam.
hirap intindihin ang british accent.

sana lang makapasa kami..

before testing

during testing

after testing


 

"of balenciaga and bossini"

im back in ukay cubao.
nagpapasama kasi ang kapatid ko
bibili daw siya ng bag
at sandamakmak na jacket
kelangan daw nya ng something new
and definitely not red
favorite color na ni sis o ang
"green"
the exact oposite of red
ewan ko ba bakit nagiba
ng color preference to
ayaw na niya ng mickey mouse
pero she sighs when seeing
merchandise ng famous mouse..
labo lang! wahaha

anyway we ended up with the ff..
for sis o:
1 fabulous brown jacket with animal print lining
1 green fur hooded jacket
1 small black esprit bag

esprit bag

for me:
cute white bosini top which is a size xl
fabulous white bag thats a replica of a balenciaga

cute white top


xl??!?












side view

top view

for sis m:
stripped black and white chained strap shoulder bag


siyempre bankrupt nanaman ako
why oh why cant i resist
a good buy sa ukay??!?!?!
whats wrong with me??! :D

"C.R."

pakita ko ang nakakatakot naming CR.


everyday bago pumasok dumadaan ako CR
kasi inaayos ko ang magulong-magulo kong buhok
minsan feeling ko may multo sa tabi ko
pinapanuod akong nagsusuklay
minsan namn feeling ko may multo
nakasilip sakin habang umiihi ako

katakot.

 

"job coach"

tinext nanamn ako ni fashionista friend.
apply daw kami sa isang callcenter.
kasi andun ang mga friends niya.
sayang daw..maganda namn ang offer.

wala na nga akong tulog kahapon.
at wala nanamn akong tulog ngayon.
hmmmm...keri lang!!
sayang ang opportunities..


naintimidate kami sa office nila.
ang ganda..talo ang aegis peoplesupport
kasi iilang floor ito.
kaso mahirap tuntunan.
parang gitna ng highway
"ang gulo pa!" sabi ni fashionista friend
puwede kang mamatay while going to work
intersection kasi ang tatawiran mo
cars coming from all directions
hindi mo alam san ka titingin

oh well..
pagdating namin wala masyado tao
ang taray dahil meron silang x-ray bag scanner
parang nasa airport lang
tapos ung guard bibigyan ka ng sticker
"idikit sa kanang dibdib lang po"
ang sabi niya.

ang tagal ng antayan.
para tlgang nasa airport
madaming delayed flights
mga almost 4 hours kami nagantay
initial interview pa lang yun ah

so habang nagaantay nagpicturan kami:

posing posing
waiting lounge nila

pano na lang kung mga big boss na
eh di buong araw kami magaantay nito

sabi wala opening sa gusto namin posisyon.
offer samin different job.
ung magtake ng escalated calls daw at reporting
taking sup calls nanaman?!
pagod nako dyan eh.
ayoko na makarinig ng irate caller!
ayoko na makarinig ng reklamo.

feel ko ang HR na naginterview sakin
perky siya at super nice.

tawagan daw kami next week.
kung ano man daw ang openings ulit.

ayan umuwi nanamn kami
walang pa ding work si fashionista friend
at ako puyat nanaman!

borlog

"front desk sa qatar"

tinext ako ni fashionista friend
magapply daw kami sa qatar
nagtext sa kanya agency
may opening daw ngayon
kaso front desk ang kelangan

sabi ko keri lang
basta hindi callcenter
at basta ba sa ibang bansa

meet up kami sa galeria ng 1PM
kelangan daw ng picture
whole body shot daw
nyack?! ano tong inaapplyan namin
hostes ba sa qatar to?!

labo!

ang hirap hanapin ng building
pagdating pa namin
ginagawa pa yung lobby nila
at hindi pa working ang elevator

bagong-bago ang office
parang joke lang ang place.
pinicturan ko nga ang requirements
baka sakaling fraud.
wehehehe!


well 2 question lang sila for me
tell me about yourself at
what is BPO?

lekat..hindi ako nakapasa!

si fashionista friend may offer kaso ayaw nya
25K php lang daw kasi.
eh makukuha namn nya yun dito.

ayun umuwi kami..
walang trabaho si fashionista friend
at ako puyat!

"clusters"

this is my daily breakfast.

my favorite cereal
sabi 8g ang fiber for every 100g ng cereal.
ang fiber po nakakatulong sa pagpapapayat
so ang ginagawa ko everyday
dapat kalahati ng box ang kinakain ko
kasi per box 250 ML ang laman
sabi ni sis m. sayang sa pera
kasi namn almost 50 pesos ang cost ng bfast ko kung ganun

well kung eto ay makakatulong sa diet ko
eh di keri lang kahit mahal...



mayaman ako kaya afford ko to!
CHOS!

"the tourist"

gusto daw manuod ni lonely sexy roomate ng the tourist.
naggroup text  siya and invited everyone.

ang pumunta lang eh ako at si crush ng bayan vip001.
ang movie time 1800 MNLA..late sila..ang trapik kasi.
tong si VIP001 sabi sa Greenbelt..
yung pala sa Glorietta 4..siyempre ang layo ng nilakad ko!


pero oks lang..maganda ang movie! yung twist i mean.
pero wala masyado action..so kinda boring din.
but overall..oks lang.. :D


sorry hindi ako marunong magmovie review!
sorry kay hearthrob VIP001  kasi wala ka sa pic..camwhore ka pa namn.. :D

"GETTING HEALTHY" (daw!)

this is a reminder to angcutenakulot ..
at ang kanyang panata na magpapayat!...



sexy ko!
magjogging ka every week!!


"lunch breaks"

just want to show you guys how i spend my lunch breaks.
im not eating ok?! i rarely eat during lunch.
usually i eat in my station or breakfast lang.



nanunuod ako ng TV!
nanunuod ako ng NCIS! (fav)
minsan Bones, Criminal Minds
pag sinuwerte How I met your Mother



"starbucks planner"

ang saya! saya!
since papalapit na ang last day ng starbucks promo..
i decided to pass by starbucks since maaga naman ako!
i bumped into one of the managers, we will call her gorgeous haired.
she gave me some stickers.
tapos na daw kasi siya!
super nice naman niya!



so kumpleto nako..now..ill just get my planner! :)



"bagong pera"

yey!

do you know about the new bills being printed out?
well sinuklian ako ni manong driver ng bagong 20PHP!


bagong pera


"scarf"

this is a bit old but i want to showcase the scarf that was given to me by my lonely sexy roomate. 
she bought this from thailand. cute noh?!



"valerie"

meet my new anak..

"valerie"

i'm collecting starbucks barista bears.
so far i have a total of nine barista bears





"roses"

i found my dress to be very plain.
bumili ako ng bulaklak para magkaroon ng spice.
and voila..retokado na din ang dress ko!


sana lang indi ako magmukhang mataba..
but after this holiday..

im sure i am!
huhu..

"elevator"

see kung gaano katakot ang elevator namin sa office!!
buti na lang at wala akong napicturan na multo..

"dresses"

malapit na wedding of the century!!
este malapit na ang wedding ni boss bunggoy!!

waaah!

bumili kami ng damit ni angcutenakulot sa ukay
clothing heaven tlga yung ukay sa cubao
ang dami naming options kaso
dahil sa aming katabaan eh
naging limited ang puwede namin piliin 

before
 
 
after













i chose this blue number for angcutenakulot.
inaayos ko pa yan. kasi mukhang pantulog nung una
see before and after pics!

bongga noh?! magaling ako eh!
wahaha! joke lang!
flapper dress
i bought this 1920's inspired dress
its called a flapper dress.
ni research ko pa yan sa google.
kaso hindi ako sumunod sa color scheme
oh well..wala akong pambili eh
sorry boss bunggoy!


archives

Powered by Blogger.