"road trip"

matagal ng plano. laging naudlot.
gusto namin kumain ng bulalo sa tagaytay

laging may indi puwede.
laging may problema, weather atbp.

pero ngayon..kahit madami nagbackout
GO pa din kami!
nothing will stop us from eating bulalo!

umaga pa lang handa na kami.
punta agad ng buendia para magabang ng bus
kaso alas-otso na wala pang bus..

punta kami baclaran..ayun may bus na!

hilohin si bully garfield sa bus.
so good luck sa kanya..sana may dala siyang kendi
pero 2 hours lang ang biyahe eh, so keri na
2 hours of torture lang!

medyo takot pa kami sumakay ng bus
kasi nga sa recent bombings
pero naisip namin..kahit anong ingat pa yan
kung panahon mo na, eh di panahon mo na!

habang sumasakit ulo ni bully garfield
siya namn pagsakit ng tyan ko.
hanggang sa makasakay kami ng jeep
sobrang sakit pa din ng tyan ko.

malapit na kami sa leslie..
ng makaramdam ako ng matinding sakit
kelangan kong mag-CR
sa Josephine's dapat kami
kaso pinilit ko silang bumaba ng Leslie's
halos tumakbo nako papuntang CR ng starbucks
buti na lng wlang tao.


matapos ang aking aberya ko
nagpunta na kami Josephine's
ready na kami to have fun!
yun ang goal namin for the day
well aside from eating bulalo in Tagaytay!

ang sosyal ng Josephine's
parang mahihiya kang magorder.
mga sosyalan din ang kumakain dun.
wala pa masyadong tao nung andun kami
ang aga kasi namin for lunch

decided na kelangan may bulalo.
order din kami ng crispy kangkong
at ng inihaw na tuna belly
2 klaseng rice: plain at bagoong rice
for dessert, sorbeturon, 1 cake at banana split.

dami namin kinain.
puro tawanan lang kami at kuwentuhan
were having fun nga eh!
matapos lumamon eh lumabas kami sa garden
habang picture taking kami ni angcutenakulot
siya namn laro ni bully garfield ng itouch games

ng bumaba na ang kinain namin
napagdecidan namin na ayaw pa namin umuwi
tambay muna kami sa starbucks
malamig dun at masarap magrelax

order kami ng kape sa starbucks
ako iced tea lang..wehehe
yung kasunod naming customer sa pila
siya ang ika-100 customer of the day at may freebie siya
akalain mo yun??!?!
ngayon alam ko na ang feeling nga mga taong
almost there but not quite.

tawanan at kuwentuhan ulit sa starbucks
hanggang sa nagpupumilit na si angcutenakulot na umuwi
fine.fine.fine.
matapos ubusin ang kape umuwi na kami.

saya ng araw na yun!
ang sarap ng bulalo!
ang sarap sa tagaytay!


0 comments:

Post a Comment

archives

Powered by Blogger.