"job coach"

tinext nanamn ako ni fashionista friend.
apply daw kami sa isang callcenter.
kasi andun ang mga friends niya.
sayang daw..maganda namn ang offer.

wala na nga akong tulog kahapon.
at wala nanamn akong tulog ngayon.
hmmmm...keri lang!!
sayang ang opportunities..


naintimidate kami sa office nila.
ang ganda..talo ang aegis peoplesupport
kasi iilang floor ito.
kaso mahirap tuntunan.
parang gitna ng highway
"ang gulo pa!" sabi ni fashionista friend
puwede kang mamatay while going to work
intersection kasi ang tatawiran mo
cars coming from all directions
hindi mo alam san ka titingin

oh well..
pagdating namin wala masyado tao
ang taray dahil meron silang x-ray bag scanner
parang nasa airport lang
tapos ung guard bibigyan ka ng sticker
"idikit sa kanang dibdib lang po"
ang sabi niya.

ang tagal ng antayan.
para tlgang nasa airport
madaming delayed flights
mga almost 4 hours kami nagantay
initial interview pa lang yun ah

so habang nagaantay nagpicturan kami:

posing posing
waiting lounge nila

pano na lang kung mga big boss na
eh di buong araw kami magaantay nito

sabi wala opening sa gusto namin posisyon.
offer samin different job.
ung magtake ng escalated calls daw at reporting
taking sup calls nanaman?!
pagod nako dyan eh.
ayoko na makarinig ng irate caller!
ayoko na makarinig ng reklamo.

feel ko ang HR na naginterview sakin
perky siya at super nice.

tawagan daw kami next week.
kung ano man daw ang openings ulit.

ayan umuwi nanamn kami
walang pa ding work si fashionista friend
at ako puyat nanaman!

borlog

0 comments:

Post a Comment

archives

Powered by Blogger.