"saklay"

mapilit ang nanay ko
magpunta daw kami orthopedic center
san yun? sa may banawe avenue lang naman.
sobrang layo sa las pinas.

kelangan ipatingin ang paa kong maga pa din
baka daw may ugat na naipit kaya hindi lumiliit
natakot naman ako so pumayag nako
dadayuhin namin ang center na yun

maaga pa lang umalis na kami
nagtaxi lang kami papunta dun
400 ang siningil samin ng kupal na driver

pagdating dun ika-ika akong naglakad papasok
ang daming tao! ang dami palang napipilayan
madami din ang may sakit sa bato

mukhang promising ang lugar
meron kasi silang nakapaskil kung ano dapat gagawin
HINDI tulad sa SSS

dahil dun feeling ko madali at mabilis lang kami
pero maling-mali ako!

sabi ni nanay magantay daw ako sa waiting area
kuha siyang number tapos contact slip para sa record ko
sa waiting area madaming tao
at wala ba namn gustong magpaupo sakin
kahit na alam nilang pilay ako..deadma lang sila
mga walanghiya!!!!!
maya-maya may tumayo
ika-ika akong naglakad papuntang bakanteng upuan
kaso tong babaeng nasa likod ko na nakayellow inunahan ako
palibhasa walang kapansanan
siyempre naunahan niya akong makaupo
kapal ng mukha hindi na naawa sakin!

so nakatayo ako hanggang sa tinawag na ang mga number nung iba
ayun nagkabakanteng upuan. ika-ika akong umupo
at thank god, wlang nakikipagunahan
bago ako nakakuha ng number
may form akong nifill-out at eto ang mga info na kelangan sagutin:
pangalan:
address:
phone number:
birthday:
edad:
date of injury:
body part injured:
first time bang magpatingin sa orthopedic center:
wala akong nileave na blanko.
kumpleto po ang sagot ko at malinaw ang sulat
number 232 daw ako! wow alas-otso pa lang nka 200 na sila
wow..ang dami tlgang napipilayan at naaksidente

2 oras ang inantay ko hanggat tawagin ang pangalan ko
lumapit daw ako sa window 2
kala ko namn papatingin ko na ang paa kong sumasakit na
paglapit ko sa window sinabi ko pangalan ko
hawak ng lalakeng tumawag sakin ang papel ko
tinanong niya "so ano papatingin mo?"
tinuro ko sa papel ang sinulat ko
tinanong nanamn niya "kelan nangyari?"
tinuro ko nanamn ang sagot ko sa papel
tinanong nanamn ako ikaw ba ang may injury
"pangalan ko po yan nasa paapel" sagot ko
at siyempre tinanong nanamn ako
so first time mo bang magpatingin dito?
nairita nako..hindi ba marunong magbasa to?
so sinabi ko na "lahat po ng tanong niyo nakasulat dyan..
pakibasa naman po!"

nairita siya sinigawan ako:
"pumunta ka sa cashier at magbayad ng 20 para sa blue card!
yung cashier namn nasa kabilang building"
niloloko ba ako nitong gagong to?
alam niyang masakit na ang paa ko kasi nga sa sprain
papapuntahin pakong kabilang building?
so tinanong ko "talaga po!?"
sagot lang sakin "kelangan namin ng blue card"
walang apologies sa inconvenience, poker face pa ang gago.

buti na lang kasama ko nanay ko
siya ang pumuntang cashier
pagbalik niya..inantay ko nanaman tawagin ang pangalan ko
after an hour tinawag ang name ko
pumunta daw ako sa room 8

inikot ko halos ang buong center kakahanap ng room 8
walang po kasing direction kung saan ka pupunta
ang sakit sakit na ng paa ko
ng makita na ni nanay ang room 8 finally




madaming nakatambay sa tapat!
wala nanaman maupuan!
mga nakaupo sa mga bench eh yung walang kapansanan
at deadma nanamn sila sa mga may pilay
ang kakapal tlga ng mukha
so nagantay nanamn ako ng may tatayo.
buti na lang tinawag na yung isang pasyente
buti na lang din at mabilis ang nanay ko
inupuan kaagad niya at tinawag ako

can i say ang panget-panget ng speaker system nila!
parang kinakain ng nagsasalita ang mike
bulol na hindi mo tlga maintindihan
sobrang lapit ng bibig nila sa mike
minsan napuputol pa
ganito magwork ang speaker
"patient (dead air) please go to dr llanes in rm 8"
pano mo namn malalaman kung sinong pasyente yun?
or minsan ganito
"patient cornel, vanessa please go to dr (dead air) in rm (dead air)"
so pano ko namn malalaman kung saan ako pupunta??!?!?!?
after 10 minutes pag walang pumapasok sa room
saka lang lalabas ang nurse
at isisgaw ulit yung sinabi nila sa speaker?!?
so kung puwede naman pla lumabas
bakit indi na lang kaya nila gawin un
instead of using the broken speakers?

after an hour tinawag na pangalan ko..
punta daw ako kay dr canilas
pagupo ko sa desk ni doc..
tinanong ako kung ano nangyari at kelan?
sabi ko din sumasakit pa din pag tinatapak
hinanapan ako ng x-ray!
sabi ko sinabi na po sa makati med walang bone fracture
ayaw ni doc maniwala sakin. kelangan daw ng xray
lintek na makati med yan hindi nila ako binigyan ng xray film
ang laki-laki ng binayad ko walang film
anyway binigyan ako ni doc ng form magpa-xray daw muna ako
FINE! punta ako xray room ang dami nanamng tao!
nagbayad na kami..dun nanamn sa kabilang building!
sinubmit ang receipt ko..mga 10 minutes to noon na nun
after 5 minutes sa pagkakaupo may sumigaw..
maglulunch daw sila ng isat-kalahating oras
wala daw muna magpapa-xray.
lumabas daw lahat ng pasyente at maglulunch ang mga staff!
bumalik na lang afte 1 hour ang 30 minutes or 1:30PM

LINTEK YAN?!?!?!?

san ka naman nakakita ng medical center
na naglulunch break  ang empleyado ng sabay-sabay?!?!?
sa lahat ng government agencies na napuntahan ko
dito lang ako nakakita ng HINDI shifting ang lunch breaks!
na kelangan lahat sila sabay-sabay kumain at magbreak!!!!

pinaka-nakakainis sa lahat ang mga taong pumupunta dito
either may sakit sa buto, napilayan, naaksidente, etc
so diba dapat may sense of urgency?!
alangan namn sabihin ko sa ankle kong sumasakit dahil sa sprain
"uy wag ka muna sumakit ng isat-kalahating oras
kasi nakabreak ang mga titingin sakin?!?!?"

KAMUSTA NAMAN?!?!?!

isa pa..pinapalabas pa nila lahat ng pasyente at kasama
dahil bawal tumambay sa loob ng center during their lunch break
mga bulag ba sila? or tanga? or stupid?
HINDI BA NILA NAKIKITA NA MAY SAKIT,
PILAY at NAKASAKLAY ang mga tao??!?!
mabuti sana kung may mga wheelchair silang pinoprovide
EH KASO WALA!!!!

sa SSS, DFA, NBI shifting ang lunch breaks!
walang sakit ang mga taong pumupunta dun
pero alam nilang hindi puwedeng mag lunch break ng sabay ang mga empleyado

but wala kaming nagawa..ika-ika akong lumabas.
hindi ko alam bakit walng nagrereklamo.
ako todo parinig sa guard na ang sakit-sakit na ng paa ko
kaso DEADMA ang LOLA mo! walang paki tlga sa pasyente nila!

after an hour and 30 minutes na pagaantay
nagtungo kami sa x-ray room.
nalaman ko na isang xray lang ang ginagamit nila
at ito pa ay yung old school at kinakalawang na
so nagantay nanamn ako ng isang oras bago ma-xray
pero in fairness wala pang 30 minutes nabigay na nla sakin ang film

wala ngang bali gaya ng sabi ni doc sa makati med
pagbalik ko sa Room 8 siyempre nagantay nanamn ako
pero..this time may upuan na..wala na kasi masyado tao
siguro nainip sila sa kakaantay..malamang yung iba sumakit na tlga ang paa
yun ata ang goal ng center na to..pabayaan ang mga tao
gamutin nila ang sarili nilang karamdaman

another 1 hour nanamn ang aking inantay
bago tinawag ang pangalan ko
sabi ni doc.."wala kang bali ah pero masakit pa din?"
opo ang tanging nasabi ko
sa isip ko gusto kong isigaw "sabi ko sayo eh!"
para gumaling yan kelangan i-cast natin ang paa mo for 1-2 weeks??!
WHAT THE?!?! semento!!??! bakit?!?
hindi gagaling yan kung iaapak mo at kung hindi nasemetohan
pumunta ka sa botika at bilhin mo ang mga ito
tapos direcho ka sa casting room at pasemetuhan mo na yan
bumalik ka next week para matanggal ang cast
tapos tingnan natin kung ano na dapat gawin..

WAAAAAHHHHHH!!! 2 linggo akong walang isang paa
binigyan ako ni doc ng 2 weeks rest.
kelangan daw gumaling ito

gusto kong umiyak.

umuwi akong nakasaklay.



1 comments:

nicey said...

grabe naman sa stress yan! na feel ko yung pagkabad trip mo ah! :D

Post a Comment

archives

Powered by Blogger.