"work from home"
wala nakong suweldo.
ang dami ko ng kasing absent
wala na daw bayad yun
huhuhu!
oh well.
so i decided work from home
thats my solution
ayoko mawalan ng pera
ayoko maghirap
ang liit na nga ng suweldo
mababawasan pa ng bongga
so eto ako kahapon:
work from home? |
Monday, February 28, 2011 | | 3 Comments
"baking"
guess what kung ano to?
with the batter
Friday, February 25, 2011 | | 1 Comments
"twitter"
hay! hay! hay!
since wala akong magawa sa bahay
twitter, facebook, blog at TV ang buhay ko!
follower ako ni guwapong si @thezanjoemarudo
may nagtweet sa kanyang super negative
pero natawa lang siya..
ang taong nagtweet eh si..
@charingpepeko
dahil curious ako at walang magawa
pinuntahan ko ang twitter account nya..
eto ang iba sa mga tweets niya:
grabe siya makapanlait ng mga artista
masasakit na salita ang binibitawan niya!
dahil dyan eh madaming artista ang nagblock sa kanya:
iniisip ko kung may karapatan ba sya
baka naman uber yaman niya..
baka super ganda tlga nya in person..
could be anak siya ng isang sikat na artista
or anak siya ng isang malakas na politician
puwede din na maimpluwensya sya sa lipunan
or baka sikat na sikat tlga siya..
eto ang itsura nya base sa twitter account nya..
kayo na ang magjudge
kung may karapatan ba sya
na magsabi ng masasakit na salita
laban sa mga "di deserving na artista"
isa lang alam ko..harsh siya!
wahahahaha!
Thursday, February 24, 2011 | | 1 Comments
"saklay"
mapilit ang nanay ko
magpunta daw kami orthopedic center
san yun? sa may banawe avenue lang naman.
sobrang layo sa las pinas.
kelangan ipatingin ang paa kong maga pa din
baka daw may ugat na naipit kaya hindi lumiliit
natakot naman ako so pumayag nako
dadayuhin namin ang center na yun
maaga pa lang umalis na kami
nagtaxi lang kami papunta dun
400 ang siningil samin ng kupal na driver
pagdating dun ika-ika akong naglakad papasok
ang daming tao! ang dami palang napipilayan
madami din ang may sakit sa bato
mukhang promising ang lugar
meron kasi silang nakapaskil kung ano dapat gagawin
HINDI tulad sa SSS
dahil dun feeling ko madali at mabilis lang kami
pero maling-mali ako!
sabi ni nanay magantay daw ako sa waiting area
kuha siyang number tapos contact slip para sa record ko
sa waiting area madaming tao
at wala ba namn gustong magpaupo sakin
kahit na alam nilang pilay ako..deadma lang sila
mga walanghiya!!!!!
maya-maya may tumayo
ika-ika akong naglakad papuntang bakanteng upuan
kaso tong babaeng nasa likod ko na nakayellow inunahan ako
palibhasa walang kapansanan
siyempre naunahan niya akong makaupo
kapal ng mukha hindi na naawa sakin!
so nakatayo ako hanggang sa tinawag na ang mga number nung iba
ayun nagkabakanteng upuan. ika-ika akong umupo
at thank god, wlang nakikipagunahan
bago ako nakakuha ng number
may form akong nifill-out at eto ang mga info na kelangan sagutin:
pangalan:
address:
phone number:
birthday:
edad:
date of injury:
body part injured:
first time bang magpatingin sa orthopedic center:
wala akong nileave na blanko.
kumpleto po ang sagot ko at malinaw ang sulat
number 232 daw ako! wow alas-otso pa lang nka 200 na sila
wow..ang dami tlgang napipilayan at naaksidente
2 oras ang inantay ko hanggat tawagin ang pangalan ko
lumapit daw ako sa window 2
kala ko namn papatingin ko na ang paa kong sumasakit na
paglapit ko sa window sinabi ko pangalan ko
hawak ng lalakeng tumawag sakin ang papel ko
tinanong niya "so ano papatingin mo?"
tinuro ko sa papel ang sinulat ko
tinanong nanamn niya "kelan nangyari?"
tinuro ko nanamn ang sagot ko sa papel
tinanong nanamn ako ikaw ba ang may injury
"pangalan ko po yan nasa paapel" sagot ko
at siyempre tinanong nanamn ako
so first time mo bang magpatingin dito?
nairita nako..hindi ba marunong magbasa to?
so sinabi ko na "lahat po ng tanong niyo nakasulat dyan..
pakibasa naman po!"
nairita siya sinigawan ako:
"pumunta ka sa cashier at magbayad ng 20 para sa blue card!
yung cashier namn nasa kabilang building"
niloloko ba ako nitong gagong to?
alam niyang masakit na ang paa ko kasi nga sa sprain
papapuntahin pakong kabilang building?
so tinanong ko "talaga po!?"
sagot lang sakin "kelangan namin ng blue card"
walang apologies sa inconvenience, poker face pa ang gago.
buti na lang kasama ko nanay ko
siya ang pumuntang cashier
pagbalik niya..inantay ko nanaman tawagin ang pangalan ko
after an hour tinawag ang name ko
pumunta daw ako sa room 8
inikot ko halos ang buong center kakahanap ng room 8
walang po kasing direction kung saan ka pupunta
ang sakit sakit na ng paa ko
ng makita na ni nanay ang room 8 finally
madaming nakatambay sa tapat!
wala nanaman maupuan!
mga nakaupo sa mga bench eh yung walang kapansanan
at deadma nanamn sila sa mga may pilay
ang kakapal tlga ng mukha
so nagantay nanamn ako ng may tatayo.
buti na lang tinawag na yung isang pasyente
buti na lang din at mabilis ang nanay ko
inupuan kaagad niya at tinawag ako
can i say ang panget-panget ng speaker system nila!
parang kinakain ng nagsasalita ang mike
bulol na hindi mo tlga maintindihan
sobrang lapit ng bibig nila sa mike
minsan napuputol pa
ganito magwork ang speaker
"patient (dead air) please go to dr llanes in rm 8"
pano mo namn malalaman kung sinong pasyente yun?
or minsan ganito
"patient cornel, vanessa please go to dr (dead air) in rm (dead air)"
so pano ko namn malalaman kung saan ako pupunta??!?!?!?
after 10 minutes pag walang pumapasok sa room
saka lang lalabas ang nurse
at isisgaw ulit yung sinabi nila sa speaker?!?
so kung puwede naman pla lumabas
bakit indi na lang kaya nila gawin un
instead of using the broken speakers?
after an hour tinawag na pangalan ko..
punta daw ako kay dr canilas
pagupo ko sa desk ni doc..
tinanong ako kung ano nangyari at kelan?
sabi ko din sumasakit pa din pag tinatapak
hinanapan ako ng x-ray!
sabi ko sinabi na po sa makati med walang bone fracture
ayaw ni doc maniwala sakin. kelangan daw ng xray
lintek na makati med yan hindi nila ako binigyan ng xray film
ang laki-laki ng binayad ko walang film
anyway binigyan ako ni doc ng form magpa-xray daw muna ako
FINE! punta ako xray room ang dami nanamng tao!
nagbayad na kami..dun nanamn sa kabilang building!
sinubmit ang receipt ko..mga 10 minutes to noon na nun
after 5 minutes sa pagkakaupo may sumigaw..
maglulunch daw sila ng isat-kalahating oras
wala daw muna magpapa-xray.
lumabas daw lahat ng pasyente at maglulunch ang mga staff!
bumalik na lang afte 1 hour ang 30 minutes or 1:30PM
LINTEK YAN?!?!?!?
san ka naman nakakita ng medical center
na naglulunch break ang empleyado ng sabay-sabay?!?!?
sa lahat ng government agencies na napuntahan ko
dito lang ako nakakita ng HINDI shifting ang lunch breaks!
na kelangan lahat sila sabay-sabay kumain at magbreak!!!!
pinaka-nakakainis sa lahat ang mga taong pumupunta dito
either may sakit sa buto, napilayan, naaksidente, etc
so diba dapat may sense of urgency?!
alangan namn sabihin ko sa ankle kong sumasakit dahil sa sprain
"uy wag ka muna sumakit ng isat-kalahating oras
kasi nakabreak ang mga titingin sakin?!?!?"
KAMUSTA NAMAN?!?!?!
isa pa..pinapalabas pa nila lahat ng pasyente at kasama
dahil bawal tumambay sa loob ng center during their lunch break
mga bulag ba sila? or tanga? or stupid?
HINDI BA NILA NAKIKITA NA MAY SAKIT,
PILAY at NAKASAKLAY ang mga tao??!?!
mabuti sana kung may mga wheelchair silang pinoprovide
EH KASO WALA!!!!
sa SSS, DFA, NBI shifting ang lunch breaks!
walang sakit ang mga taong pumupunta dun
pero alam nilang hindi puwedeng mag lunch break ng sabay ang mga empleyado
but wala kaming nagawa..ika-ika akong lumabas.
hindi ko alam bakit walng nagrereklamo.
ako todo parinig sa guard na ang sakit-sakit na ng paa ko
kaso DEADMA ang LOLA mo! walang paki tlga sa pasyente nila!
after an hour and 30 minutes na pagaantay
nagtungo kami sa x-ray room.
nalaman ko na isang xray lang ang ginagamit nila
at ito pa ay yung old school at kinakalawang na
so nagantay nanamn ako ng isang oras bago ma-xray
pero in fairness wala pang 30 minutes nabigay na nla sakin ang film
wala ngang bali gaya ng sabi ni doc sa makati med
pagbalik ko sa Room 8 siyempre nagantay nanamn ako
pero..this time may upuan na..wala na kasi masyado tao
siguro nainip sila sa kakaantay..malamang yung iba sumakit na tlga ang paa
yun ata ang goal ng center na to..pabayaan ang mga tao
gamutin nila ang sarili nilang karamdaman
another 1 hour nanamn ang aking inantay
bago tinawag ang pangalan ko
sabi ni doc.."wala kang bali ah pero masakit pa din?"
opo ang tanging nasabi ko
sa isip ko gusto kong isigaw "sabi ko sayo eh!"
para gumaling yan kelangan i-cast natin ang paa mo for 1-2 weeks??!
WHAT THE?!?! semento!!??! bakit?!?
hindi gagaling yan kung iaapak mo at kung hindi nasemetohan
pumunta ka sa botika at bilhin mo ang mga ito
tapos direcho ka sa casting room at pasemetuhan mo na yan
bumalik ka next week para matanggal ang cast
tapos tingnan natin kung ano na dapat gawin..
WAAAAAHHHHHH!!! 2 linggo akong walang isang paa
binigyan ako ni doc ng 2 weeks rest.
kelangan daw gumaling ito
gusto kong umiyak.
umuwi akong nakasaklay.
Monday, February 21, 2011 | | 1 Comments
"sex video daw"
idol ko sa pagblog si chuvaness.com
next to chicogarcia.wordpress.com
sya ang blog na laging kong binabasa
so natural lang na ifollow ko siya sa twitter
natawa namn ako sa tweet niyang ito..
LOL!!
Sunday, February 20, 2011 | | 2 Comments
"mga pagsubok"
ang daming pagsubok sakin ni lord
hindi ko alam kung makakaya ko to
una na ang nasprain ako
pangalawa eh yung suweldo ko
kulang ang suweldo ko
tumalbog kasi ang check na binigay sakin ng boss
sabi ng banko wala daw pondo
kamusta namn yun?!
anong klase namng company ito?
pangatlo gusto kong umuwi samin
hindi ako makauwi kasi nga walang pera
plus wala namn kaming sasakyan para sunduin ako
nahihiya ako sa kapatid ni lonely sexy roomate
so inaantay ko tlga si angcutenakulot para alagaan ako
eh morning shift siya 6am to 3pm
so bale mga alas kuwatro nako nakakakain..
naawa ako sa sarili ko
feeling ko im at my lowest of low.
eto na tlga..parang wala nakong pagasa
pero..
sabi nila kung nasa baba ka na
theres no where to go but up!
PS.
kulang kulang ang PROJ 365 ko
kasi naman wala akong magawa..hindi ako makalakad
stuck ako sa kama hanggat dumating si kulot
walang interesting na puwede picturan sa bahay
except ang ankle kong lumalaki sa maga
Saturday, February 19, 2011 | | 0 Comments
"borlog"
ang aking tagapag-alaga
borglog! tulog! pagod!
nabibigatan ata sakin!
dami ko atang utos!
napagod ang angcutenakulot!
kawawa naman!
Thursday, February 17, 2011 | | 0 Comments
"sprain"
katangahan.
the word to describe what happened to me.
natapilok ako pagbaba ng bus
ewan ko pano nangyari
basta alam ko nakaupo nako sa sahig
masaklap pa walang tumulong sakin tumayo
may isang mama tinitigan lang ako
walang tanong-tanong kung ok lang ako
mga walanghiya
pinilit kong umuwi ng bahay
wala din kasing taxi na available
masaklap pa, wala akong cellphone
wala ng battery.
gusto kong umiyak na lang
pero sabi ko hindi ako damsel in distress
inipon ko lahat ng aking lakas
dahan-dahan akong naglakad ng ika-ika
papuntang sakayan ng jeep
buti na lang dumadaan ang jeep sa tapat ng apt
pagbaba ko ika-ika pa din akong pumasok
sinalubong ako ng caretaker
tinulungan niya akong umakyat sa 3rd floor
umiyak ako kay angcutenakulot
naramdaman ko na kasi ang sakit ng ankle ko
nakatulog ako sa sakit
kinagabihan nagtungo kami ng makati med
ang tagal ng aking inanatay
well compared sa time na nicheck ako ng doc
nilagyan ng benda ang paa ko
na-xray din ng 3 beses
salamat sa dyos walang bali ang buto ko
pero magang-maga ang mga muscles
strained ligaments sabi ni doc
binigyan niya ako ng 3 days para magpahinga
bawal daw maglakad
binantaan nya pako na kapag nilakad ko hindi na gagaling
3k ang total ng nagastos ko!
lintek yan! wala kasi kaming maxicard eh!
wake up call sakin to.
kelangan ko ng lumipat ng company...
Tuesday, February 15, 2011 | | 0 Comments
"balentyms.."
hay..
araw ng mga puso!
araw din na puwede magpakasweet
ng walang feeling ng hiya..
so..
para sa aking minamahal
happy kapuso day!
eto para sayo:
(picture lang kasi di ko afford ngayon ang real)
hmmm..hmm..hmmm.hhmmmm :)
Monday, February 14, 2011 | | 0 Comments
"cupcake"
valentines day ngayon!
araw ng mga puso!
araw ng magsing-irog!
araw ng labing-labing!
araw ng pagmamahal!
araw din ng uwi namin sa manila
bago kami umuwi siyempre breakfast muna
ang thoughtful ng hotel na pinagstayan namin
binigyan kami ng valentines cupcake..
Monday, February 14, 2011 | | 0 Comments
"fireworks"
i love watching fireworks
kahit sumakit batok ko sa kakatingala
oks lang sakin
basta makapanuod ako ng fireworks
masuwerte naming naabutan ni sexy OFW
ang isang fireworks show sa burnham park
perfect ang itouch ko for taking pics of fireworks
compared to any digital camera ive used..
Come on show 'em what you're worth
Make 'em go "Oh, oh, oh!"
As you shoot across the sky.."
Sunday, February 13, 2011 | | 0 Comments
"Baguio - Day 2"
sa pangalawang araw namin sa baguio eto lang ang aming pinuntahan:
tam-awan village
sm bagio (para kumain)
Sunday, February 13, 2011 | | 0 Comments
"haunted house"
may bahay kaming nadaanan..interesting na nakakatakot
parang eto yung bahay dun sa movie nila diether, claudine at echo
yung movie entitled "nasaan ka man"
eto yung itsura ng house:
Saturday, February 12, 2011 | | 0 Comments
"Baguio - Day 1"
ilang days na lang si sexy OFW sa pinas
lubos lubusin na daw niya at pumunta
sa mga lugar na hindi pa niya napupuntahan
matagal na namin plano ang magtungo ng baguio
so ayun nagalsa balutan kami at nagtungo sa north
sa unang araw eto ang aming mga pinuntahan:
burnham park
mines view
good shepherd
the mansion
50's diner
wrights park
Saturday, February 12, 2011 | | 0 Comments
"kotse ni PNOY?"
nagaabang ako kay sexy OFW sa coffee bean
magkikita kami kasi susunduin niya ako
may concert na nagaganap nun sa araneta.
kung sino..aba ewan namin.
pero madaming nakapark na kotse sa tapat ng araneta
wala ako masyadong alam sa mga kotse
pero alam ko kung ano ang maganda
sa panigin lang naman..hehehe
habang nagaantay napansin ko to
isang black jaguar nakapark sa tapat ng entrance ng gateway
tiningnan ko ang plaka
eto ang bumulaga sakin:
NOY 101
kay PNoy kaya ito? nanuod ba siya ng concert?
nagdinner date ba siya sa gateway?
nanuod ba siya ng sine?
nagshopping ba sya sa rustans?
umiinom ba siya ng kape sa coffee bean?
lumingon lingon ako pero walang PG
baka hindi ko lang napansin dahil in civilian clothes sila
pero wala tlgang nakabantay sa kotse eh
dapat meron baka may manabotahe nito noh?!
sana kay PNoy nga ito, i would be starstruck..
Friday, February 11, 2011 | | 0 Comments
"BAHAY ni KUYA"
house blessing ng bahay ni kuya today.
kelangan daw maaga kami sa event
stickler for being on time itong brother ko
ok lang na 1 hr earlier kesa sa 1 hr late
madami daw kaming kelangan gawin
kukunin ang lechong manok, bibili ng cake.
aantayin ang pansit delivery
susunduin pa ang pari sa simbahan
so maaga nga kami dumating sa bahay niya
namangha ako sa ganda ng labas ng bahay ni kuya
per mas maganda yung sa loob
makulay. sobrang makulay
yellow and orange sa sala at dining area
lt blue at dk blue ang isang kuwarto
lt green at dk green naman ang isa
uso daw yun ngayon sabi niya
niset up na namin ang mga pagkain
onti lang ang bisita ni kuya.
sobra kasing mahiyain yun..
hindi nakikiusyoso sa iba
parang tatay ko lang..deadma sa kapitbahay
ang bisita nya ay siyempre ang immediate family
yung nagpinta ng bahay niya
yung agent na nagbenta ng bahay
at siyempre yung pari
nang dumating yung pari, nagumpisa na blessing
Lord God, bless this house and the people living in it
sabay saboy ng holy water...
mabilis lang ang pagbless ng buong bahay
tapos kainan na kaagad.
masaya na kuya ko nabless na ang bahay niya
ngayon ang problema na lang nya eh
maghanap ng mangungupahan ..
Thursday, February 10, 2011 | | 0 Comments
"batang yagit"
look..ang skin ko parang batang yagit.
ano kaya ang kulang..moisture?
Wednesday, February 09, 2011 | | 0 Comments
"fatso"
look how fat i am..
huhu..wala ng pagasa pumayat..
kahit anong klaseng cover up
hindi na matatakpan ang katabaan!
Tuesday, February 08, 2011 | | 0 Comments
"pots and pans"
di tulad ng ibang bahay..samin bibihira ang take out food.
pag may occassion lang like birthday, graduation, etc
dun lang kami nakakatikim ng pagkaing di lutong bahay.
masipag nanay ko magluto eh, masarap at malinamnam pa!
nagtrabaho sya sa maya kitchen dati
sikat yun sa mga cooking summer schools
madami siyang natutunang skills dun
galing kay nora daza (cooking with nora daza)
ang nakakatawa lang ni isa samin
walang nakamana sa hilig ng nanay ko sa pagluto
wala samin ang magaling or marunong magluto
wala ang nagtyagang panuorin siya magluto
mga basics lang ang mga alam namin
hindi pa namin sa kanya natutunan yun.
eto ang collection ng nanay ko mga kaldero at kalan
yung iba nasira na or napamigay na.
mostly dito eh mga mamahalin
kasi nanay ko pinagkakagastusan tlga
yung mga kagamitan niya sa kusina.
kaya masasarap tlga ang luto ng nanay ko.
kahit mga kaibigan ko sinasabi nila.
so proud ako sa cooking ng nanay ko!
salamat 'nay sa pagluto ng masasarap na pagkain.
mga kalan at kaldero ng nanay ko |
Monday, February 07, 2011 | | 1 Comments
"banchetto"
obvious naman sa katabaan namin
mahilig kami sa pagkain
so ng mabasa namin sa mga blog
ang famous midnight food market
dyan sa may ortigas, sa likod ng galleria
nagpunta agad kami ng angcutenakulot..
madaming tao.
mostly callcenter agents.
may ilan mga sosyalera
masabi lang na were eating "street foods"
magulat ka may koreano din
madami din bloggers
panay picturan ng food
masarap ang mga pagkain..
madaming pagpipilian
from mais to isaw, to tapsilog, lechon,
to quesadillas, tacos, manggang hilaw,
quek-quek, to kebab, baked mac,
pastries, to cakes, chicharon,
atbp..
hmm...mabubusog ka!
banchetto experience |
Saturday, February 05, 2011 | | 0 Comments
"bota"
nagpunta ako bahay nila angcutenakulot..
makiki-internet sana ako at makikikain na din..
at eto ang nadatnan ko..
ang mahiwagang bota |
Friday, February 04, 2011 | | 0 Comments
"st jude"
eto ginagawa ko pag thurs
for almost 6 years or so..
some may find it boring
some may think im baduy..
pero wala akong paki
basta pag thurs dito ako napunta...
Thursday, February 03, 2011 | | 0 Comments
"shocking pink"
shock na shock ako!
sa shocking pink dress mo!
hindi lang yun..
shock na shock din ako
sa ikli ng pink dress mo.
mga 6 inches lang namn
above the knee!!
hindi ba dapat top yan?
pero ginawa mong dress.
nice!
are you trying to make a bold statement?
well success ka te!
Wednesday, February 02, 2011 | | 0 Comments
"diploma"
antok na antok na ako.
dumaan pako makati apt.
kinuha ko ang diploma at yearbook
uwi ko na sila sa las pinas.
alam kong pagsakay ko ng bus dala ko lahat.
nakatulog ako after ng bayad.
naalimpungatan ako bigla
pag gising ko lagpas nako ng zapote
dali-dali kong kinuha mga gamit ko
lapit agad sa harapan.
pinagtawanan pako ng kundoktor
natutulog daw kasi ako..
namiss ko tuloy ang babaan
paguwi ko ng bahay.
narealize ko wala ang diploma ko!
LINTEK YAN!
kakuha ko lang nung isang araw
nawala ko kaagad.
sabi ni dadoodz tawagan mo yung bus company
baka sakaling puwede nilang sabihaang driver
hinanap ko online kaso wala silang number.
"ano ba sinakyan mong bus?" tanong ni dadoodz
"uhm..yung erjohn&almark po.." sagot ko
"yung papuntang alabang town center" dagdag ko pa
"eh di sundan natin ang bus hanggang terminal..
sigurado ako andun pa yun!" masayang sabi ni dadoodz
buti na lang at tinago ko ang ticket sa bus
alam ko kung anong bus number.
nagliwanag ang mukha mo.
may hope na makita ang diploma
hinabol namin ang bus hanggang alabang town center.
bad trip SOBRANG traffic sa alabang-zapote road
ginagawa ang kalsada per maynilad
"giginhawa din daw buhay" lintek yan!
pagdating namin ng terminal
hinanap ko kaagad ang bus.
ayun pagkatok ko ng pintuan.
nakasmile na sakin si manong kundoktor
hawak-hawak niya ang diploma ko!
nagpasalamat ako at nagtawanan kami.
umalis kaagad ako sa sobrang tuwa!
nakalimutan kong bigyan ng pabuya sina kuya
pinagalitan ako ng nanay ko pag-uwi ko
bakit daw kinalimutan ko sila bigyan ng reward?!
hindi na daw nila uulitin yun!
haller kung mabuti silang tao
kahit may pabuya o wala
gagawa sila ng mabuti noh!!
kaya....
Tuesday, February 01, 2011 | | 4 Comments
moi! moi! moi!
archives
- June 2011 (5)
- May 2011 (18)
- April 2011 (12)
- March 2011 (17)
- February 2011 (28)
- January 2011 (36)