"parinig.."

ang hilig ng nanay kong magparinig
lalo na kapag may gusto siyang mangyari
asahan mo imbes na sabihin niya sayo direcho
magpapasaring or parinig lang to

kagaya kanina..sinabi niya sa akin
gusto daw niyang paliguan si pepper
at hindi daw niya kayang gawin magisa yun
kaso daw hindi na puwede si sis l tumulong
kasi nagplantsa siya hindi puwede magbasa ng kamay
eh kelangan daw mapaliguan si pepper
kasi nga sa mga rashes niya
baka daw lumalala at kumalat sa katawan

kung ang kuya ang kausap niya ng time na yan
im sure ivolunteer niya ang sarili niya
na tulungan ang nanay ko magpaligo sa aso

eh ang kaso ako ang kausap niya
so ang sagot eh..itali mo nalang kaya nay
tapos paliguan mo..eh di parang may extra hands ka

syempre huli na ng maisip ko
nagpapasaring nanaman ang nanay ko!

ayoko kasi ng ganun
kaya automatic nakablock yan sa utak ko
kasi ako gusto ko direcho mo sasabihin sakin
kung may kelangan ka..
pwes sabihin mo sa mukha ko
ayoko ng mga pasimpleng parinig
o pasaring nga kasi hindi ko yan iniintindi

hindi ko alam kung bakit lagi na lang
nagpaparinig ang nanay ko sa akin
eh parang wala namn akong natatandaan
na ginawa ko ang mga pasaring nya
pero patuloy pa din niyang ginagawa..
hindi ko alam kung dahil ba hindi niya ako kilala
or umaasa siyang magets ko namn minsan
or ganun lang tlga siya..

pasensya nay pero ayoko tlga ng ganun eh
kaya nga hindi ko yan pinapansin
automatic tlgang blocked sakin yan..

sana minsan masabi ng nanay ko sa mukha ko
mga utos nya or mga bagay na gusto niya pagawa sakin
ng hindi nagpapasaring..


image from here



0 comments:

Post a Comment

archives

Powered by Blogger.