"blackout sa opis"

i was feeling really sleepy today
masyado kasing matindi ang init
hindi ako masyado nakatulog..

habang nasa shift..papikit na ang mata
ng biglang nagdilim ang paligid

kala ko nakatulog nako

pero nung dinilat ko mga mata ko eh madilim pa din
yung pala nagka-black out sa opis
nagulat lahat ng tao..
patay lahat..PC, aircon, electric fan at siyempre ilaw

first time kong naencounter to
kasi sa APS, mamatay ilaw
pero ang computer at avaya hindi
may backup power sila

dito ewan ko kung may backup sila
bulok tlga tong building na ito
sabi ng maintenance kasi napuno ang circuit
masyado maraming gumagamit ng electricty
hindi na nakayanan ng switch

nakakatawa pa sa buong floor
ang opis lang namin ang nawalan ng kuryente
ang elevator working
ang ilaw sa hallway working
ang ilaw sa banyo working


after 20 minutes bumalik ang kuryente
pero sabi ni maintenance kelangan walang ilaw
kasi hindi na kakayanin ng circuit
kaya eto ang eksena sa opis..


pagalingan na to ng pagtype sa keyboard ng walang nakikita!
good luck sa mga hindi memorized ang keyboard. hehehe!


1 comments:

kaish said...

goodluck talaga. buti di ako lumipat ng 14th hahahahahaha!

Post a Comment

archives

Powered by Blogger.