"diploma"

antok na antok na ako.
dumaan pako makati apt.
kinuha ko ang diploma at yearbook
uwi ko na sila sa las pinas.

alam kong pagsakay ko ng bus dala ko lahat.
nakatulog ako after ng bayad.
naalimpungatan ako bigla
pag gising ko lagpas nako ng zapote
dali-dali kong kinuha mga gamit ko
lapit agad sa harapan.
pinagtawanan pako ng kundoktor
natutulog daw kasi ako..
namiss ko tuloy ang babaan

paguwi ko ng bahay.
narealize ko wala ang diploma ko!
LINTEK YAN!
kakuha ko lang nung isang araw
nawala ko kaagad.

sabi ni dadoodz tawagan mo yung bus company
baka sakaling puwede nilang sabihaang driver
hinanap ko online kaso wala silang number.

"ano ba sinakyan mong bus?" tanong ni dadoodz
"uhm..yung erjohn&almark po.." sagot ko
"yung papuntang alabang town center" dagdag ko pa
"eh di sundan natin ang bus hanggang terminal..
sigurado ako andun pa yun!" masayang sabi ni dadoodz

buti na lang at tinago ko ang ticket sa bus
alam ko kung anong bus number.


nagliwanag ang mukha mo.
may hope na makita ang diploma

hinabol namin ang bus hanggang alabang town center.
bad trip SOBRANG traffic sa alabang-zapote road
ginagawa ang kalsada per maynilad
"giginhawa din daw buhay" lintek yan!

pagdating namin ng terminal
hinanap ko kaagad ang bus.
ayun pagkatok ko ng pintuan.
nakasmile na sakin si manong kundoktor
hawak-hawak niya ang diploma ko!

nagpasalamat ako at nagtawanan kami.
umalis kaagad ako sa sobrang tuwa!

nakalimutan kong bigyan ng pabuya sina kuya
pinagalitan ako ng nanay ko pag-uwi ko
bakit daw kinalimutan ko sila bigyan ng reward?!
hindi na daw nila uulitin yun!

haller kung mabuti silang tao
kahit may pabuya o wala
gagawa sila ng mabuti noh!!
 
kaya....

MARAMING SALAMAT PO!!
sa driver at kundokto ng Erjohn &Almark Bus # 8921

FRANKLIN DIAZ (kundoktor)
FREDDIE ALEJANDRO (driver)

4 comments:

Warleigh said...

grabeh! mas maganda pa pala blogsite mo saken eh.. i'll follow your life (and misadventures)

angcutenakulot said...

Wahahaha.. Akalain mong sa laki ng diploma mo eh nakalimutan mo pa?? LOL..

Mapalad ka at naibalik sayo ang diploma!

Kudos to Manong Kunduktor and Drivasta!

Anonymous said...

reyna ng kalimot umatake na naman! pero may point ka nde kailangan ng pabuya kung bukal sa loob ang pagtulog :)

~jinggay

Anonymous said...

i meant 'tulong' :) antok pa

~jinggay

Post a Comment

archives

Powered by Blogger.