"bigby"
sale sa nike. sale ng taon ito..
balak nila lonely sexy roomate at si angcute na kulot magtakbo
so take advantage na nila ang sale at bibili ng sapatos
ako bibili lang ng jogging pants..balak ko magpapayat eh
sa last day na kami nakapunta..busy busyhan kasi ang mga lola mo
madami pa din sapatos at madami pa din may sizes
nakabili si lonely sexy roomate ng bright pink trainer shoes
si ang cute na kulot eh white with yellow stripes running shoes naman.
ako siyempre dark blue dry fit jogging pants
after nun naisipan namin kumain..nagutom kami sa kakaikot
dahil maganda ang sales pitch ni kuya from Bigby
napagdecisionan na dun kami kakain..hehehe
masarap namn ang food nila at sobrang ok ang service!
very friendly and staff at maganda din ang ambiance ng resto!
sure ako babalik kami..
Wednesday, March 30, 2011 | | 0 Comments
"pvz, wee mee, angry birds.. "
hindi ko natiis.
hindi ako mapakali.
alam kong kelangan ko to
hindi ako matatahimik.
im sure madami makakarelate sakin
yung iba adik na adik sa mga to
mapamatanda or bata..
nakakaaddict namn tlga sila.
ayun ako din naaddict.
napabili din ako.
lecheng kuya to
kumuha pa kasi ng credit card!
waaahh..
pero mura lang namn eh..
wala pang 500php.
sorry namn mahina ang loob ko
sa next suweldo eh..
diner dash namn..at at..fruit ninja!
hehehehe!
Monday, March 28, 2011 | | 0 Comments
"chilis experience"
matagal ko ng gustong kumain sa chilis
madami kasing magagandang review about it
at parang ako na lang sa mga college friends ko
ang hindi pa nakakakain dun..
at nung sinabi ko sa kanila yun..sagot ba namn sakin:
what?!?! ang tagal tagal na ng resto na yun ah..hindi mo alam?
so determined akong kumain dun..
napagdecidan namin ni angcutenakulot..ngayong araw na to
pagdating namn napaupo kami sa malapit sa entrance.
masaya kasi makakapag-people watching kami.
order kami ng mga ss:
boneless buffalo chicken |
classic sizzling fajitas combo (beef and chicken) |
sarap! sarap!
medyo hindi nasiyahan si angcutenakulot sa beef at chicken fajitas
kasi hindi daw malambot yung karne
pero overall nakakabusog ang servings nila. super bait pa ng manager at crew.
sa tingin ko eh babalik kami..
Saturday, March 26, 2011 | | 0 Comments
"man made pond"
sabi ko samahan ko si angcutenakulot magbreak.
bili ako ng krispy kreme at kainin namin sa enterprise.
since pilay ako inagahan kong pumunta sa kanila..
sa sobrang aga ko napilitan akong magikot sa bldg.
wala namn upuan so walang choice kundi maglakad.
at nakita ko to..man made pond sa gitna ng building.
may mga very small fishes pa yan ah..
Saturday, March 26, 2011 | | 0 Comments
"alone"
hay..umuwi na lahat sila..kasi alas sais pa endshift..
kami na lang ni echuserang badet at makulit na teammate ang natira.
kanya-kanya kaming gawa ng kalokohan..
walang pakialaman sa ginagawa ng isat-isa
nagsurf na lang ako..ngayon ko lang ginawa ito dito..
at masaya pala na magsurf lang galore..
walang nagcheck kung ano ginagawa mo..
at in fair ang bilis bilis ng internet ah..
hehehe..
ayoko pa muna umuwi..
may nangyari kasi nung isang araw
ayaw ko na maulit..nakakahiya naman kasi..
kung sino man ang nasa lugar ko eh mahihiya din
buti na lang hindi malala kundi..aba ewan ko
nagalsa balutan na siguro ako at hindi na bumalik.
sorry namn..hindi ko sinasadya..
hehehe!
Thursday, March 24, 2011 | | 0 Comments
"borlogs ang bata"
kanina pa iyak ng iyak
gutom ata or baka nauuhaw
dinalhan namin ng pagkain at tubig
pero iyak pa din ng iyak
baka kasi umalis na ang nanay niya (sis ko)
so ni-rub ko ang tummy gaya ng sis ko
magkamukhan namn kami ni sis m eh
hindi na niya mapapansin yun..
habang nirub ko ang tummy tumihaya..
yung nanay ko naghum..
at ayun maya-maya borlogs na..
inaantok lang pala...
wahahaha!
Saturday, March 19, 2011 | | 2 Comments
"chow chow"
meet the newest addition to the Cornel family..
PEPPER |
Friday, March 18, 2011 | | 0 Comments
"overweight"
ang mga nasa hapag kainan si sis m, sis o, nanay at ako
nanay: magsasaing ako para sa kuya mo
sis m: madami pang kanin po
nanay: enough ba yan para sa kuya mo
sis m: opo, madami pa yun eh, onti lang kinain ko
nanay: so diet si sis m ah..alam niyo ang kuya niyo sabi overweight daw siya
sis m: tlga po?
nanay: ikaw sis m overweight ka ba?
sis m: opo, mga ilang pounds lang..
nanay: ikaw sis o overweight ka?
sis o: hindi po
pause ng isang minuto
sis m: (pabulong) eh ikaw ate v?
nanay: eh wala ng contest yan overweight tlga yang ate mo!
sis m at sis o: (awkward silence)
nanay: overweight ka.. ilan 20 pounds? 30 pounds?
nageexercise ka ba?
ako: eh pano ako mageexercise nito kung nainjure ako?
nanay: eh dati nageexercise ka ba?
ako: opo..
nanay: anong klaseng exercise ginagawa mo eh parang hindi naman
ako: (silence)
sis m: san nga pala si kuykuy nay?
sis o: magshake na tayo nay?
sabay nilang sinabi..
nanay: ay hindi ko nga alam eh kung nasaan kuykuy mo..
sis m: ah magskahe na tayo tirhan na lang natin siya mamaya
nanay: alam mo sabi ng doctor eh masama daw ang overweight..
magkakaheart attack ka, sakit sa puso...
ako: (walk out sa mesa..i cant hear anymore of this!)
as if namn wala akong ginagawa sa weight ko
yung mga kasama ko sa apt alam hindi ako nakain ng rice
alam nilang nageexercise din ako
alam nilang mas gugustuhin kong maglakad kesa sumakay
kasi nga exercise yun..
ngayon araw-araw since nandito ako sa bahay
simula ng injury ko sa paa
todo pamukha ang nanay ko sakin
kung gaano ako kataba na kelangan ko ng magpapayat
lagi niyang binabanggit na overweight ako
like meron akong magagawa habang hindi ako makalakad.
like makakapag exercise ako using one feet at saklay
siguro gusto lang ng nanay ko eh hindi ako kumain
at dapat once a day lang ako kakain
FINE! from now on isang beses lang ako kakain sa isang araw!
Monday, March 14, 2011 | | 2 Comments
"kiam is that you?"
marathon ang "modern family" sa fox
since maganda namn ang review na naririnig ko
napagispan kong panuorin baka magustuhan ko
ung napanuod kong episode eh yung "up all night"
nagbonding ang bio father at stepfather ni manny
nakakatuwa..kasi bihira mangyari yun sa totoong buhay.
bigla akong natigilan..sa gitna ng panunuod
kasi kamukha ni artistic QA ung biological father ni manny
kamukhang kamukha niya!
natawa na lang ako..
Sunday, March 13, 2011 | | 0 Comments
"banapple"
happy birthday princess techie!
ang saya breakfast daw kami sa banapple.
libre daw niya..kahit ano.
hmm..first time ko dun
sana wala masyado sweets
since ash wednesday eh nagfasting ako
hindi ako kakain ng sweets.
at try my very best na walang rice
so yun..balik sa birthday..
ang ganda sa loob ng banapple
ang ganda ng mga mesa
colorful. unique.
parang ang sarap-sarap ng mga cake
kaso nga..hindi ako puwede.
madami palang ibang food
may rice meal..may pies..may sandwhiches
may pasta din at syempre cakes.
order ko eh chicken pie
kala ko namn maliit lang eh ang laki pala
parang pang-2 tao
sulit ang 140 pesos dun
salamat princes techie!
nabusog ako!
Friday, March 11, 2011 | | 0 Comments
"special chair"
nahiya nako.
dami na nila reklamo.
kelangan na ng services ko.
fine. try ko pumasok sa opis ngayon.
dala ang aking baston
nakabalot ang aking paa
kinaya kong pumasok.
determined ako hindi magtaxi
alam kong kaya ko to
commute lang.
hindi namn ako nahirapan.
mababait mga tao sa jeep
sa dulo tlga nila ako pinaupo
para madaling bumaba
sa bus ewan ko kung bulag mga tao
or nagbubulagbulagan lang.
wala ni isang nagpaupo sakin
mga pasahero ng bus
tinitigan lang akong
ika-ika akong naglakad sa isle
nakaupo ako sa 2nd to the last seat
naisip ko ang nabasa ko dati
mga pilipino walang awa sa mga may kapansan
may isang eksena nga sa provincial bus
na pina-una ng kundoktor
yung taong nakawheel chair
habang ang iba nakapila
yung mga taong nakapila nagreklamo
yung iba nagalit ang masama tingin
dun sa taong may kapansanan
sinagot sila ng kundoktor:
nasa batas po kasi ito.
anyway....
eto eksena sa opis.
may sariling upuan ang paa ko
magang-maga ang paa ko paguwi ko
para akong natapilok ulit
mukhang hindi pako handa sa paglalakad
Thursday, March 10, 2011 | | 0 Comments
"i am number four"
finally.
natapos ko na basahin ang i am number four
inabot lang namn ako ng 2 araw
kung iisipin matagal na yun kasi kumain pako at natulog
usually mga librong 1 inch ang kapal
isang araw lang ang inaabot tapos ko na
hehehe! yabang..
maganda ang book, parang harry potter lang
pero hindi kasing exciting ng harry potter
hindi daw maganda ang movie
haysh..hindi ko napigilan sarili ko
plus im so bored here..
but i would recommend the book
watch the movie first before reading the book though
suggestion ko lang
not saying the movie is a flop but sabi ko nga
madaming nega comments eh
pero ill leave it up to you kung ano man gusto niyo!
Tuesday, March 08, 2011 | | 0 Comments
"whos that girl?"
unang labas ko
MOA ang pinuntahan namin
katangahan ko namn
dun pako sa pinakamalaking mall nagpunta
well kasi po may mga golf cars sila
para sa mga oldies at disabled
umiikot yung sa buong mall
so hindi masyado nakakapagod.
nanuod kami ng who's that girl?
nakakatawa! laugh trip tlga.
ang galing tlga ni eugene domingo!
panalo pa ang mga outfits niya!
i suggest you watch it.
Sunday, March 06, 2011 | | 1 Comments
"para kay hearthrob VIP001"
"san ka nag-e-edit ng pics mo sa blog mo?
ang ganda at ang galing eh.."
tanong ni hearthrob VIP001..
well actually turo ni angcutenakulot to eh..
siya ang nakadiskubre ng site na to
www.PICNIK.COM
gamit nito puwede mong pagandahin ang pic mo
na kala mo professional ang kumuha
at kala mo mamahaling camera ang gamit
sa site na to madami kang magagawa
mga halimbawa lang eh..
puwede mong pamukhang luma ang pic
puwedeng ienhance ang colors
puwedeng lomo camera effect
or kung gusto mo cartoonish
atbp..
basta madaming features
ang favorite ko sa lahat eh yung
puwede mo iremove ang blemish
kung may pimple ka nung time na pinicturan ka
puwes, puwede mo siyang tanggalin
sa picnik.com
libre magsign up para ma-avail mo features nila
pero may mga features din na may bayad..
bahala ka kung gusto mo magbayad
para lalong mapaganda ang pictures mo
so ano hearthrob VIP001..
ayan ang sagot sa tanong mo...
enjoy using it..
eto mga sample pic in-edit ko gamit ang PICNIK.COM :
original (using itouch) |
1960'2 effect |
cross process style |
cartoonish effect |
neoon lights effect |
posterize effect |
post card effect |
ganda noh?
Friday, March 04, 2011 | | 0 Comments
"walk..walk..walk.."
Thursday, March 03, 2011 | | 2 Comments
"kakainggit naman"
since my cast will not be removed till thurs pa
work from home muna ang drama ko
itong si sis m nagbasa din ng libro ni bob ong
yung "ang mga kaibigan ni mama susan"
na accodg to her nakakatakot tlga..
naisipan nyang matulog sa sala kasama ko
para namn daw may kasama ako at hindi matakot
if i know baka siya ang natatakot.
anyway..eto ang eksena kagabi:
habang siya tulog..ako naman working hard!!
Wednesday, March 02, 2011 | | 0 Comments
"ang mga kaibigan ni mama susan"
ang super sweet kong kapatid
binilhan ako ng libro
para namn hindi ako ma-bore
marahil naawa sakin..hehehe
alam niyang paborito ko si bob ong
at eto nga binili niya ang latest book
"ang mga kaibigan ni mama susan"
i cant wait to start reading.
since mga 120 pages lang siya..
sure ako matatapos ko na to mamaya
hehehehe
maraming salamat sis m..
Tuesday, March 01, 2011 | | 1 Comments
moi! moi! moi!
archives
- June 2011 (5)
- May 2011 (18)
- April 2011 (12)
- March 2011 (17)
- February 2011 (28)
- January 2011 (36)